Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez si Vice President Sara Duterte na personal na dumalo at magpaliwanag sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Sa halip na mga opisyal ng OVP at DepEd ang humarap, sinabi niyang tanging si Duterte ang makakapagbigay-linaw sa isyu.
Ayon kay Majority Leader Manuel Jose Dalipe, ginagamit umano ni Duterte ang kanyang mga opisyal bilang “human shields” upang umiwas sa pananagutan. Inakusahan din si Duterte ng patuloy na pag-iwas sa Kongreso at pagbibigay ng “budol tactics” upang makalusot.
Bukod dito, si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez ay patuloy na nakakulong sa Kongreso dahil sa contempt, habang may arrest orders para sa iba pang opisyal na hindi dumalo sa imbestigasyon.
Ang isyu ay lumala matapos tanggalin ang confidential funds ng OVP at DepEd sa 2024 budget at ang umano’y hidwaan nina Duterte at Romualdez bunsod ng pagbabago sa liderato ng Lakas-CMD.