DUBAI, UAE – Mula sa Quiapo fish vendor, ang 22-anyos na si Vincent Escobido, kilala bilang Vincent Augus, ay ngayo’y pinakabatang indie filmmaker sa Dubai na may 300 kwentong milyon-milyon ang views!
“Mag-aaral po ako para lalo pang i-pursue ang filmmaking at baka sakaling makagawa ng first-ever full-length movie film na written and directed by myself po, at makapag-participate sa Hollywood, in God’s will,”sinabi niya.
Mula sa pagtulong sa lola niyang nagtitinda ng isda sa Quiapo, dinala siya ng kanyang passion sa pag-arte at filmmaking sa Dubai, kung saan pinto ang nagbukas para maabot ang kanyang pangarap.
Habang nag-aaral ng IT Programming sa Dubai British School, patuloy niyang pinupursige ang paggawa ng pelikula at pagbuo ng mga kwentong sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino.
“Hindi ko pa po nalalagpasan ang lahat ng mga hamon at this very young age. Marami pa po akong mapagda-daanan. Surely I will be able to find a way para po solusyunan yung mga upcoming na hamon ng buhay, since marami din pong nakapalibot sa ’kin na mabubuting tao, especially my parents,” wika niya.
Ang dating simpleng pangarap, ngayon ay unti-unting nagiging realidad. Abangan ang paglipad ng batang filmmaker mula Quiapo hanggang Hollywood!