PANUORIN: Ballsy Aquino naging emosyonal sa talumpati sa ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy

vivapinas08212023-271

vivapinas08212023-271Naging emosyonal si Ballsy Aquino-Cruz sa kanyang talumpati matapos ang isang misa sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ama, ang pinaslang na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., sa Sto. Domingo Church sa Quezon City noong Lunes, Agosto 21.

Dumalo ang mga tagasuporta at kamag-anak ng pamilya Aquino sa event na inorganisa ng Ninoy at Cory Aquino Foundation.

Nauna rito, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga Pilipino na malampasan ang mga hadlang sa pulitika habang ginugunita ng Pilipinas ang anibersaryo ng kamatayan ng yumaong senador.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *