Dumalo ang mga tagasuporta at kamag-anak ng pamilya Aquino sa event na inorganisa ng Ninoy at Cory Aquino Foundation.
Nauna rito, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga Pilipino na malampasan ang mga hadlang sa pulitika habang ginugunita ng Pilipinas ang anibersaryo ng kamatayan ng yumaong senador.