Pamilyang Aquino nakita sa premier night ng ‘Ako Si Ninoy’

vivapinas02222023-43

vivapinas02222023-43MANILA — Dumalo sa special advance screening ng musical-turned-movie na “Ako si Ninoy,” Sabado ng gabi ang mga miyembro ng pamilya Aquino sa pangunguna nina Viel Aquino-Dee at dating Senador Bam Aquino sa Powerplant Mall sa Makati.

Ipinaliwanag ni dating Sen. Bam ang kahalagahan ng pelikula, na itinuro ang inilarawan niyang “fake news” tungkol sa pinaslang na bayaning senador na si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

“Mahalaga na may mga sine na nagkwekwento ng buhay ni Ninoy. Alam naman natin na maraming fake news tungkol sa kanya. Maraming naglalabas na hindi totoo, tuloy tuloy yan from the time na namatay siya hanggang ngayon,” sinabi niya.

Kapansin-pansin, karamihan sa mga miyembro ng cast ay mga young actors top billed by Juan Karlos Labajo, na gumanap bilang si Ninoy.

“I just wish we can help with battling misinformation and people trying to change our real history. This is for the future of our children, and children’s children. Sana na-justify ko yung pagganap ko ng role,”sinabi ni Labajo.

Direktor at producer na si Atty. Vince Tanada ang lumikha ng musikal na “Ako si Ninoy” noong 2008.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *