Pambansang Dambana ni Padre Pio sa Batangas bukas sa mga Evacuees

Binuksan ang Pambansang Dambana ni Padre Pio sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas.

Ilang pamilya ang pansamantalang nasa Divine Mercy Sanctuary for Pilgrims ng naturang simbahan matapos silang maapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Facebook page ng simbahan, tumatanggap na rin ito ng donasyon para sa mga apektadong pamilya.

Ang mga tulong na kailangan ng mga naapektuhang pamilya ay tsinelas, kumot, banig/kutson, unan, toothbrush, sanitary napkin, adult at baby diaper (M, L, XL) at bagong underwear.

Leave a Reply

Your email address will not be published.