#LEGITDABARKADS: Maine Mendoza, umaasa siyang magiging bahagi rin si Alden Richards ng bagong TV5 noontime show ng Dabarkads

vivapinas06212023-177

vivapinas06212023-177MANILA, Philippines — Ibinunyag ng aktres na si Maine Mendoza na umaasa siyang magiging bahagi rin si Alden Richards sa bagong TV5 noontime show ng Dabarkads.

Sa ginanap na press conference sa TV5 Media Center kahapon, inamin ni Maine na posible kung papayagan ng GMA-7 si Alden na sumali sa kanilang TV5 show.

“Hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero si Alden naman ay legit na Dabarkads. Hopefully, hindi ko pa rin alam e, pero hopefully makasama namin siya dito sa show namin sa TV5,” sinabi niya.

Sinabi ni Maine na buo pa rin ang komunikasyon nila ni Alden.

“Oo naman. Kaming mga Dabarkads namin constant pa rin ‘yung communication dito sa bagong show, bagong tahanan, ‘yung updates gano’n pa rin,” sinabi niya.

Nang tanungin kung bakit mas pinili niya sina Tito, Vic at Joey kaysa sa dating producer ng show na TAPE Inc., sinabi ni Maine na it’s all about values and loyalty.

“Kasi for me no amount of money can buy for my established values, self-respect and loyalty. So sa pagtanggap namin, sa akin, eight years ago, no’ng sumama ako sa ‘Eat Bulaga’ ang maibabalik ko lang sa kanila ay ‘yung loyalty ko, ‘yung pasasalamat ko, and ‘yung tulad ng paglaban nila sa amin, ilalaban din namin sila kahit saan,” sinabi niya.

Ibinahagi niya na naka-leave na siya noong nangyari ang gusot sa Eat Bulaga pero hindi siya umalis sa Dabarkads.

“Actually naka-leave na talaga ako for the wedding planning so naka alot na ‘yung June and July ko for wedding planning pero ayon siyempre hindi ko naman pwedeng iwan sila sa mga ganto. Tulad nga ng sabi ko, kung anong laban nila, laban. din namin,” sinabi niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *