‘It’s Showtime,’ mapapanood na sa GMA-7 Kapuso Channel simula July 1

vivapinas06192023-176
vivapinas06192023-176Abangan ang noontime variety show na ‘It’s Showtime’ sa GTV!

Madlang people at mga Kapuso, handa na ba kayo?

Mapapanood na ang Kapamilya noontime variety show na It’s Showtime sa GTV!

Sa official Facebook post ng GTV, ibinahagi ang larawan ng naturang programa kasama ang mga host nito na mayroong caption na, “Madlang people, let’s make some noise!”

Samantala, naglabas na rin ng statement ang ABS-CBN sa naturang paglipat ng It’s Showtime sa GTV.

https://www.instagram.com/p/CttAW3vvNhi/?utm_source=ig_web_copy_link&igshid=MzRlODBiNWFlZA==

Humanda nang makisaya tuwing tanghali kasama ang hosts ng It’s Showtime na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Amy Perez, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Jackie Gonzaga at Ion Perez.

Tiyak na mapupuno ng good vibes ang inyong mga tanghali sa hatid nilang mga nakatutuwang segments na dapat ninyong abangan.

Abangan ang It’s Showtime sa GTV!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *