Winner sa game show na ‘Family Feud PH’, Ibibigay muli ang premyo sa Angat Buhay Foundation

Nangako ang mga courtside reporters ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Courtside Cuties  na mag-donate sa Angat Buhay Foundation matapos manalo sa “Family Feud Philippines.”

Sa latest episode, magdo-donate daw sila ng P20,000 ng premyong pera sa charity.

“Angat Buhay Foundation, makakatanggap po kayo ng P20,000,” sinabi ng host na si Dingdong Dantes.

Sa pamumuno ni dating Bise Presidente Leni Robredo, ang Angat Buhay ay isang non-profit at non-government organization na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino sa pinakamalayong at mas mababang mga komunidad sa bansa.

Ang ilan sa mga proyekto ng Angat Buhay ay kinabibilangan ng mga webinar, street at art festival na dinoble bilang fundraisers, disaster relief and rehabilitation, at COVID-19 response.

Nagharap ang courtside reporters at undefeated volleyball players kaninang  hapon! Ang COURTSIDE CUTIES vs CSB LADY BLAZERS!

Ang mga Courtside reporters ng  National Collegiate Athletic Association (NCAA) Courtside Cuties Chantal Laude, Michelle Naldo, Ann Gabriel, Christian Sebastian. ang nakakuha ng premyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.