Vicki Belo, Alex Gonzaga, hindi raw sila pinansin ni Heart Evangelista sa Milan

Copy of vivapinas.com (19)MANILA – Tinawag nina Vicki Belo at Alex Gonzaga na snabero si Heart Evangelista dahil sa diumano’y hindi nila pinapansin nang dumalo sila sa parehong fashion show sa Milan, Italy.

Pinag-uusapan nina Belo at Gonzaga kung paano nagpapakita ang fashion sa vlog ng celebrity doctor nang mapansin ng TV host kung gaano na ngayon ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa industriya ng fashion.

“After ilang years, parang na-appreciate na natin sa Philippine scene dahil sa ‘yo (Belo), kila Heart, sila Liz Uy,”sinabi ni GOnzaga.

Biglang bumuwelta si Belo at ang sabi: “Napansin mo ba? Hindi tayo pinansin ni Heart.”

“Hoy, Heart. Mars, we were in the same fashion show hindi ka man lang nag-hi. ‘Di ba?” Natatawang dagdag ni Belo, sabay sabing lahat sila ay nakaupo sa iisang row.

Binanggit ni Gonzaga sa biro ang ilan sa mga nakaraang serye ni Evangelista na sinuportahan niya gaya ng “Hiram” at “Panday.”

“Heart, ano mars? Sa Manila magkakaibigan tayo,” sinabi niya na tumatawa. “Yung mga soap opera niya, sinuportahan natin siya. Sana suportahan niya rin tayo.”

Tinawanan lang ito ng dalawa bago ituloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa karanasan nila sa Milan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *