Vice Ganda at Ate Gay, nagkabati na

Vice Ganda and Ate GayMAYNILA — Positibong reaksiyon mula sa netizens ang retrato ng komedyanteng si Gil Morales o mas kilala bilang si Ate Gay kung saan kasama niya ang kapwa komedyante at host ng “It’s Showtime” na si Vice Ganda.

Makikitang magkasama ang dalawang gay comedian sa isang larawang kumakalat ngayon sa social media

Doon, makikita si Ate Gay na nakayakap kay Vice.

“Love love love.. (heart emoji),” isinulat niya bilang caption.

Agad na napuno ang comment section ng mga mensahe mula sa mga netizens na natutuwa nang makitang muli ang dalawa.

Ang ilan ay nagbunyi pa ng kanilang “pagkakasundo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.