#TVJONTV5: Inilunsad ng TVJ ang kanilang social media account

vivapinas06192023-175

vivapinas06192023-175Ang inaabangang pagbabalik sa noontime television nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kasama ang iba pang dating Eat Bulaga hosts, ay lalong pinalakas online sa pamamagitan ng paglikha ng kanilang mga opisyal na social media accounts.

Noong Miyerkules, Hunyo 28, inimbitahan ni Pauleen Luna-Sotto ang mga tagahanga na sundan ang kanilang opisyal na Instagram (@tvjofficial), Tiktok, at YouTube accounts (@official.tvj).

Ang Facebook Page ng produksyon ay pinangalanang TVJ, sa ilalim ng username, @tvjofficial. May Twitter account din sila, @Official_TVJ.

Sa isang Instagram post noong June 29, hinimok din ng TVJ ang audience na sundan ang kanilang official accounts para sa “legit” updates.

https://www.instagram.com/p/CuDfSP0PdhP/?utm_source=ig_web_copy_link&igshid=MzRlODBiNWFlZA==

Nakatakdang ipalabas ang bagong palabas ng TVJ sa TV5 sa Hulyo 1, Sabado ng 11:30 a.m.

As of writing, hindi pa inaanunsyo ang pangalan ng noontime show.

Ang trio, kasama ang kanilang tropa na tinawag na “Legit Dabarkads,” ay nag-anunsyo ng kanilang paghihiwalay sa Eat Bulaga noong Mayo 30 dahil sa hindi pagkakasundo sa producer ng show na TAPE Inc.

Pinangunahan nina Tito, Vic, at Joey ang palabas sa loob ng 44 na taon, na nakuha sa Eat Bulaga ang titulo ng longest-running noontime show sa bansa.

Mapapanood pa rin ang Eat Bulaga sa GMA 7, sa pangunguna ng hosts na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Isko Moreno, at Betong Sumaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *