Toni Fowler, tinanggal sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ matapos ang kanyang controversial music video?

Toni Fowler

Noong February 14, inilabas ni Fowler ang kanyang bagong kanta na MPL na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens dahil sa adult content nito.

Kumalat noon ang tsismis na tinanggal siya sa FPJ’s Batang Quiapo nang lumabas siya sa mga pinakabagong episode ng serye.

Toni FowlerGayunpaman, sa TikTok video ni Fowler noong Marso 2–ibinunyag niya na kasama pa rin siya sa Kapamilya series.

“To answer your question, hindi po ako natanggal sa ‘Batang Quiapo.’ Alam niyo ang daming nag-iisyu na natanggal daw po ako kesyo hindi na po ako napapanood,” she said.

Inamin ni Fowler na inaasahan niyang maalis siya sa serye.

“Pero sa totoo lang, ishi-share ko rin sa iyo ang thought ni Mommy Oni, sa totoo lang in-expect ko talaga na after ng ‘MPL’ ay matatanggal ako.

“Kumbaga bahala na. Pero hindi naman po ako natanggal dahil hindi naman po ako sa TV kumanta noon.

“So malayong-malayo po. Nasa ibang platform po ako which is doon sa restricted adults only. At alam niyo naman ang TV ay hindi po para sa contents ko na ganoon,” she said.

Samantala, nag-post si Fowler sa Instagram na may taping siya sa Divisoria para sa FPJ’s Batang Quiapo.

https://www.instagram.com/p/CpT5ijPLhS6/?utm_source=ig_web_copy_link

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *