TINGNAN: Ibinahagi ni Pia Wurtzbach ang mga unang araw bilang asawa

vivapinas05142023-108

vivapinas05142023-108MANILA – Nanatili sa cloud nine si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos ang kasal nila ni Jeremy Jauncey.

Noong Sabado, ibinahagi ni Wurtzbach ang ilang maaliwalas na mga snap ng kanilang mga unang araw bilang mag-asawa habang nananatili sa isang makapigil-hiningang resort sa Seychelles.

“Our first few days on the island as husband and wife,”sabi niya sa instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Jauncey (@piawurtzbach)

Sinurpresa ng beauty queen ang kanyang mga social media followers noong nakaraang linggo nang ihayag na may asawa na siya.

Nag-upload si Wurtzbach ng isang video na nagpakita ng mga eksena mula sa kasal niya sa beach kasama ang travel entrepreneur sa North Island sa Seychelles.

Base sa caption ng post, nagpakasal sila noong March 24.

Unang kinumpirma ni Wurtzbach ang kanyang relasyon kay Jauncey, ang lalaking nasa likod ng sikat na travel page na Beautiful Destinations, noong Hunyo 2020.

Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong Mayo 2022, at ipinagdiwang ang kanilang ikatlong anibersaryo noong Enero.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *