Sinuspinde ni Marcos ang lahat ng proyekto sa reclamation ng Manila Bay maliban sa isa

vivapinas08022023-259

vivapinas08022023-259MANILA, Philippines – Sinabi noong Lunes, Agosto 7, ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinuspinde ng gobyerno ang lahat ng proyekto sa reclamation ng Manila Bay – maliban sa isa – habang nagsasagawa ngmasusing  imbestisgasyon ang departamento ng kapaligiran.

“Napasuspinde lahat. Under review ang lahat ng reclamation,” sinabi ni Marcos sa Bulacan.

“‘Yung isa lang ang natuloy dahil na-review na. Maraming problema. Marami kaming nakita na ‘di masyadong magandang patakbo.”

Hindi malinaw kung aling proyekto ang exempted sa suspension dahil hindi tinukoy ni Marcos. Nakipag-ugnayan na ang Viva FIlipinas sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa paglilinaw ngunit hindi pa ito sumasagot hanggang sa isinusulat.

Noong Lunes, Agosto 7, isang bayad na “fact box” ad tungkol sa Manila Waterfront Reclamation Project ng pamilya Gatchalian na inilathala sa broadsheet Philippine Daily Inquirer ang nagsabing nakasunod ang proyekto sa mga kinakailangan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at ng DENR.

Bago ito, ang US Embassy ay nagpahayag ng pagkabahala sa 318-ektaryang mixed-use development project na epekto sa kapaligiran, at ang kaugnayan ng isa sa mga contractor ng proyekto sa isang di-umano’y naka-blacklist na kumpanyang Tsino. Ang proyekto ay naaprubahan noong 2017 nang si dating pangulo ng Pilipinas na si Joseph Estrada ay alkalde ng Maynila.

Sinabi ng Waterfront Manila Premier Development Incorporated sa kanilang bayad na ad na nakakuha ito ng Notice to Mobilize and Notice to Commence Actual Reclamation Work noong Nobyembre 29, 2021. Sinabi nito na nakakuha din ito ng Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa DENR.

Sa isang public forum kamakailan, inamin ni Senador Sherwin Gatchalian na ang kanyang ama na si William ang nasa likod ng proyekto, ngunit iginiit niya na nakuha nito ang lahat ng permit at clearance. Sinabi rin ng senador na hindi siya kasali sa proyekto.

Sinuportahan ng mga Gatchalian si Marcos noong 2022 elections. Si Sherwin ay bahagi ng Marcos-Duterte senatorial ticket at bahagi ng mayorya sa Senado. Ang kapatid ni Sherwin, si Rex, ay ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development.

“Ito ay dumaan sa masusing proseso. Nagbigay ng permit ang PRA at ang DENR. Dumaan na sila sa proseso. Hindi patas kung tatanungin nila ito ngayon. Respetuhin natin ang proseso,” Senator Gatchalian was quoted as having said.

Sinabi ni DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga noong nakaraang linggo na hindi pa nagkaroon ng assessment na isinasaalang-alang ang lahat ng proyekto at ang kabuuang epekto nito sa ecosystem ng Manila Bay.

Habang gumagawa ang DENR ng rekomendasyon sa gobyerno sa mga susunod na hakbang na gagawin, binigyang-diin ni Loyzaga na maingat silang manatili sa batas at isipin ang magkakapatong na mga batas. Wala pang update kung naglabas na ng rekomendasyon ang departamento, at kung ito ang naging basehan ng pahayag ni Marcos tungkol sa mga sinuspinde na reclamation projects.

Hinamon ng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) si Marcos na ibasura ang mga ECC na inisyu sa mga proyekto sa reclamation ng Manila Bay.

“Para maging konkreto ang pahayag ni Pangulong Marcos, dapat agarang repasuhin ng DENR ang 21 environmental compliance certificates ng mga reklamasyon sa Manila Bay,” sinabi ni Ronnel Arambulo, ang vice chairperson ni Pamalakaya sa isang pahayg noong Miyerkules, ika-9 ng Agosto.

Para ganap na maisakatuparan ang pahayag ni Pangulong Marcos, dapat kanselahin ng DENR ang 21 environmental compliance certificates ng mga reclamation projects sa Manila Bay.

Itinaas din ng grupo ang usapin ng pagpapanagot sa mga kumpanyang kasangkot. Binanggit ng Pamalakaya ang kaso ng mga lumikas na pamilya sa Cavite.

“Dapat makabalik ang mahigit 300 pamilyang mangingisda na sapilitang pinalikas sa Bacoor City sa Cavite dahil sa reklamasyon,” Arambulo said. Ang mga nawasak na bakawan, na kritikal sa produksyon ng pangisdaan at mga komunidad sa baybayin, ay dapat na i-rehabilitate.

Dapat ding ideklara ng gobyerno ang Manila Bay bilang reclamation-free zone, sabi ng grupo.

Sinabi ng environment secretary nitong Biyernes, Agosto 4, na ang mga reclamation projects ay humahadlang sa tungkulin ng gobyerno na pangalagaan ang Manila Bay at itaguyod ang kanilang mandato sa ilalim ng writ of continuing mandamus ng Korte Suprema na inilabas noong 2008.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *