Sharon Cuneta humingi ng panalangin para sa kanyang kaibigan na si Fanny Serrano

MANILA, Philippines – Humingi ang Kapamilya aktres na si Sharon Cuneta sa kanyang mga tagasubaybay  na ipanalangin ang kanyang kaibigan at ang celebrity stylist na si Fanny Serrano matapos siyang isugod sa hospital dahil sa stroke.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang “Megastar” ng isang video ng kanyang pag-iyak

“Hi guys, it’s me again, I’m still not feeling so well, but it’s a private thing supposedly, but I can’t, there’s no way around it.  I really would just like to ask for your prayers because Tita Fanny Serrano had a massive stroke today,” sabi ni Megastar.

Sinabi ni Sharon na may malayna si Fanny at ginagamot.

Tinawag bilang “Beauty Pioneer” ng bansa, “si Serrano ang nasa likuran ng mga pinakamalaking bida sa bansa, kasama sina Sharon, Cherie Gil, Lorna Tolentino at Celia Rodriguez. Isa rin siyang may-ari ng salon, isang tagadisenyo ng fashion at isang artista na lumitaw sa pelikula at sa seryeng drama sa TV na “Maalaala Mo Kaya.”

Isinugod din sa ospital si Serrano noong 2016 dahil sa paghihirap mula sa stroke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *