San Manuel itinanghal na bagong Queen Isabela 2023

Vivapinas post 93

CITY OF ILAGAN – NKinoronahan si  Catherine Legaspi  mula sa  San Manuel, Isabela ang bagong kinoronahan na Queen Isabela 2023.
Nasa 29 na nag gagandahang dilag ang magpapamalas ng kanilang angking galing at ganda upang masungkit ang prestihiyosong titulong Queen Isabela 2023.
Ginanap ang pinakahihintay na Grand Coronation noong  Enero 25, 2023 alas-6:00 ng gabi sa Queen Isabela Park.
Una rito, isinagawa ang Judging ng Creative Attire ng bawat kandidata bilang unang bahagi ng aktibidad sa nabanggit na patimpalak noong Enero 23 taong kasalukuyan.
Sinundan naman ito ng Opening ng Exhibit ng Creative Attires ng mga kalahok sa kaparehong araw na ginanap sa SM City Cauayan.
Samantala, matapos ang koronasyon ng itatanghal na Queen Isabela 2023 ngayong gabi ay susundan ito ng Grand Fireworks Display.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *