Rowena Guanzon diretsahan tinanong si Ruffa Gutierez tungkol sa dalawang kasambahay na pinalayas umano sa village

Rowena Guanzon Ms Ruffa Gutierrez is it trueIto ang follow-up sa naisulat kahapon tungkol sa dalawang kasambahay na umano’y pinalayas daw ng aktres na si Ruffa Gutierrez.

Nakarating ito sa dating COMELEC Commissioner na ngayon ay P3PWD Partylist Representative Rowena Guanzon.

Nag-tweet si Congw. Guanzon nitong Hulyo 7 sa pamamagitan ng pagpaparinig sa social media, “My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”

At kahapon, Hulyo 8 ay diretsong nagtanong na si Ms Guanzon kay Ruffa by retweeting her first blind item saka sinabing, “Is this true?”

Sinagot na ito ng aktres sa kanyang twitter account.

Aniya, “Hello Ms. Guanzon, no it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of ‘Maid In Malacañang’, so my staff had to call security to make sure my children were safe.”

At ikinuwento na ni Ruffa kung ano talaga ang nangyari.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay [nang] wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

Ipinagdiinan din ng aktres na wala siyang pinalalayas na kasambahay nila.

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG,”pangangatwiran ng aktres.

 

At sabay promo nito kay congw Guanzon na panoorin ang pelikulang idinirek ni Darry; Yap for Viva Films.

“You should watch it BTW. You’re gonna love it,”sambit ni Ruffa na gumaganap sa pelikula bilang Imelda Romualdez Marcos.

Going back to kasambahays ay klinaro ng aktres na hindi niya pinagmamalupitan ang kanilang mga kasama sa bahay kaya inaabot sila ng dekada sa pamiya Gutierrez.

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga,” diin ni Ruffa.

Dagdag pa, “My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito kaninang madaling araw ay walang sagot pa ang P3PWD partylist representative.

Leave a Reply

Your email address will not be published.