Rendon Labador nawalan na rin ng Google account

vivapinas09062023-290

vivapinas09062023-290WALA pang isang araw mula nang mawala ang Facebook account ng social media influencer na si Rendon Labador ay na-disabled na rin ang kanyang Google account.

Ito ang ibinalita mismo ng self-proclaimed motivational speaker sa kanyang Instagram Stories.

Update niya ngayong September 8 ng tanghali, “Binura na ako ni Google.”

“Kahit email bawal na rin ang Rendon Labador?” tanong pa niya.

Ayon sa screenshots ng natanggap niyang email, nagkaroon ng “severe violation” ang kanyang account dahil mayroon daw siyang content na nagpapakita ng batang sekswal na inaabuso at pinagsamantalahan.

“It looks like this account has content that involves a child being sexually abused and exploited. This is a severe violation of Google’s policies and might be illegal,” sey ng website sa kanyang email.

Mariing naman ‘yang itinanggi ni Rendon at sinabi sa caption, “Saan kaya ito? Hindi nga ako nag uupload sa YT ng video matagal [nang] panahon or kung saan google man ‘yan…may nag complain parin? Baka nagkakamali kayo ng report.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *