Reigning Fil-Am Miss Universe R’Bonney Gabriel dumating na sa Maynila

vivapinas05102023-98

vivapinas05102023-98MANILA — Nakarating na sa Maynila si reigning Miss Universe R’Bonney Gabriel.

Sinabi ng Filipino-American beauty queen, na tumanggap ng mainit na pagtanggap sa airport noong Miyerkules, na excited siyang dumalo sa Miss Universe Philippines pageant ngayong taon.

 

 

Gaganapin ang coronation night sa Mayo 13 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I’ve watched it for previous years and it was so inspiring,” sinabi niya sa mga mamahayag at kasama din ang VivaPinas.com. “It’s such a big production and so to actually go to the pageant is a dream come true.”

“At excited ako kasi nandito rin ang pamilya ko,” dagdag niya. “Kaya ang makapag-spend ng kaunting oras sa kanila ay magiging maganda.”

Palaging binibigkas ni Gabriel ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas. Siya ay ipinanganak sa isang Pilipinong ama at isang Amerikanong ina.

Siya ang unang Filipino-American na nanalong Miss Texas, Miss USA, at Miss Universe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *