Pokwang sinunog si DJ Durano sa social media

1pokwang-5Nagbanta si Pokwang na idedemanda nito ang basher na pinaratangan niya ng bullying dahil sa komento tungkol sa kanyang four-year old daughter na si Malia noong nakaraan April 15, 2022.

“Habang lumalaki, pumapanget gaya ng nanay…sana wag mamana ugali ng nanay na panget din,” ito ang  basher na  nagkomento na gumagamit ng social media handle na @roxet08 sa Instagram video post ni Pokwang.

Hindi pinalampas ni Pokwang ang panlalait sa kanyang inosenteng anak.

Buwelta ng Kapuso comedienne sa tinawag niyang troll: “ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay

“waaaa pangit daw si Malia???? Haaa??e ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan!o pang pelikula deba?? magandang title.

“Ok nurse ka pala? Noted see [you] in court bullying innocent child.ok.”

Naniniwala si Pokwang na may kinalaman ang mga hate comment na kanyang natatanggap sa pagiging avid supporter niya kay presidential contender Vice President Leni Robredo.

Kagabi, April 27, nasa warpath muli si Pokwang dahil hindi niya nagustuhan ang social media post ng direktor na si Conrado “Rado” Peru, isa mga direktor ng Magpakailanman at ng maraming drama series ng GMA-7.

Isang Facebook post tungkol kay Direk Rado ang inilabas ni Pokwang para iparating ang kanyang mensahe na puwede niyang idemanda ang GMA-7 director dahil sa social media post nito.

Noong Martes, April 26, nag-tweet si Pokwang: “Katapusan nyo na mga trolls!! next naman sana tiktok at FB na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga trolls nayan!!”

pokwang-post-1651111859

Kasama sa tweet ni Pokwang ang screenshot ng balita tungkol kay Elon Musk, ang billionaire businessman na may networth na US$ 264.6 billion na nakabili sa Twitter sa halagang $44 billion.

Nangako si Musk na lalabanan ang mga spam bot, isang device o program na ginagamit sa pagpapakalat ng mga unwanted promotional content.

Ginamit ni Direk Rado sa post nito ang tweet ni Pokwang at nilagyan pa niya ng larawan ng Kapuso comedienne.

Caption ng direktor: “Boboto ung mga tinarawag nyong ‘Trolls’ sa May 9 at ipapamukha namin sa inyo kung cno ang gusto namin…at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin…”

Hindi ikinatuwa ni Pokwang ang ginawa ni Direk Rado kaya naglitanya siya laban sa Kapuso director.

Mensahe niya: “Sino nakakakilala sa napaka unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!!

“Troll kaba kaya ka triggered? pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po diba? pwede kita idemanda po fyi!”

Ang Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7 ang namamahala ngayon sa career ni Pokwang.

Dating ABS-CBN talent at lumipat sa Kapuso Network ang komedyana noong June 2021 kaya hindi pa niya kilala o nakakatrabaho si Direk Rado.

Nagkomento sa post ni Direk Rado ang aktor na si DJ Durano.

Patutsada ni DJ kay Pokwang: “Feeling sikat sya, di naman. Sa ABS cbn lang napansin ‘yan, feeling nya Aiai [Delas Alas] sya, ang layo maryosep.”

Sa kanyang Facebook post ni Pokwang kay Direk Rado, idinamay rin ni Pokwang si DJ sa kanyang litanya.

Buwelta ni Pokwang sa aktor: “At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? nag fi feeling Ai Ai ako???

“Hahahahhaa unang una Oo sikat ako kumpara sayo tah ka plastik ka!!!

“Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto nya! kapal ng mukha mo!

“kung sino man mga friend nya dito paki paabot sa kanya ito plastik sya!!”

Ang tinutukoy ni Pokwang na “namayapa kong mahal na direktor” ay si Wenn Deramas.

Hindi naman malinaw kung sino ang sinusuportahang mga kandidato nina Direk Rado at DJ para sa 2022 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.