Pinasaringan ba ni Joey de Leon si Vice Ganda sa kanyang helicopter ride sa ‘It’s Showtime’?

vivapinas07022023-197

Pinasaringan ba ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang kapwa TV host-comedian na si Vice Ganda?

Sa kanyang Instagram kagabi, July 2, 2023, nag-post si Joey ng group photo nila nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey, at ang legit Dabarkads na siksikan sa elevator.

Kuha ang nasabing larawan sa unang araw ng kanilang bagong noontime show, ang E.A.T, sa TV5 noong Sabado, July 1.

Sa caption, sinabi ni Joey na hindi talaga ganun kalaki ang studio nila sa TV5 sa may Reliance St., Mandaluyong City, pero grabe naman daw ang pag-welcome sa kanila ng televiewers.

Umabot daw ito ng “1000 floors” at “lagpas helicopter.”

Buong post niya: “Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter! [winking face with tounge emoji]”

https://www.instagram.com/p/CuMcYTXh5mF/?utm_source=ig_web_copy_link&igshid=MzRlODBiNWFlZA==

Hindi naman nakalampas sa mapanuring mata ng netizens ang pagbanggit ni Joey sa “helicopter.”

Sa unang sultada ng Kapamilya noontime show It’s Showtime sa bago nitong tahanan na GTV, nag-chopper ride si Vice mula sa rooftop ng ELJ Building sa Mother Ignacia St., patungong GMA-7 rooftop sa may EDSA corner Timog Avenue, Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *