#Pasiglaban: Ilang kalsada sa Ortigas Center, Pasig, pansamantalang isasara sa Marso 20 para sa Leni-Kiko Grand Rally

Emerald Avenue Leni Kiko Pasiglaban Grand RallyPansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Ortigas Center, Pasig City sa Linggo, Marso 20, 2022, dahil sa political rally, ayon sa MMDA.

Kabilang dito ang Emerald Avenue at F. Ortigas Road.

Naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority ng advisory nitong Sabado para sa mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil sa nasabing kaganapan.

“May political rally na magaganap sa Ortigas Center sa Pasig City bukas, March 20. Ang paggalaw ng mga kalahok ay inaasahang magsisimula ng 11am, habang ang aktibidad ay inaasahang matatapos ng 8pm. Mga apektadong lugar: Ortigas Ave., Emerald Ave., Meralco Avenue, EDSA-Ortigas Ave.#mmda,” sabi ng MMDA sa isang tweet.

“Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang rally site at ang mga nakapaligid na lugar nito; at kumuha ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala,” dagdag nito.

Ang presidential candidate at incumbent Vice President Leni Robredo ay nakatakdang magdaos ng people’s rally sa Emerald Avenue sa ganap na 6:50 p.m., ngunit magsisimula ang pre-program ng 3:30 p.m., ayon sa kanyang kampo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.