Pagpahid ni Alex Gonzaga ng cake sa noo ng waiter, ikinadismaya ng mga Netizens

Vivapinas post (75)Noong Lunes, Enero 16, 2023, ang ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga

Nagdiwang ang nakakabatang  kapatid ni Toni Gonzaga sa Tropang LOL, kaugnay nito ang late-morning variety show na kinabibilangan niya at napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa TV5 at Kapamilya Channel.

“Pinagpe-pray po namin, Lord, na this year and this week, Lord, kami po ay maka-bless ng ibang tao Panginoon,” parte ng mga  panalangin ni Alex sa Monday telecast ng Tropang LOL.

Subalit nabahiran ng kontrobersiya ang mapayapa sanang pagdiriwang ng kaarawan matapos pagpapasa-pasahan ang video clip ng kanyang advanced 35th birthday celebration.

Pinararatangan si Alex ng “insensitive” at “hindi makataong trato” sa naka-unipormeng waiter na may hawak ng moist chocolate cake.

Pinahiran ni Alex ang waiter ng chocolate icing sa noo matapos nitong mahipan ang kanyang kandila.

Kasama ni Alex sa video ang asawa niya, si Lipa City Councilor Mikee Morada, habang maririnig sa background ang mga kaibigan nilang nagkakatuwaan.

Ginanap ang birthday salubong kay Alex sa Joya Lofts and Towers sa Rockwell, Makati, kagabi, January 15.

Labingdalawang (12) segundo lamang ang haba ng video pero malakas ang epekto nito sa netizens.

Binatikos nila si Alex, na hindi nila kinikilalang kikay lamang at mapagbiro sa pangyayaring ito.

Sabi ng isang netizen: “Nag se-celebrate din kami ng birthday, pero DI GANYAN ka bastos at walang MODO. anyway, GOODLUCK mga…”

Nagpahayag din sila ng awa at simpatiya sa waiter na sa tingin nila’y biktima ng labis na katuwaan ng TV host-actress.

Sabi ng isa pa: “I feel sorry kay kuya server… because for sure, he felt humiliated. HINDI NAKAKATUWA. Sana masaya ka sa birthday mo.”

Sabi naman ng isa: “Syempre biro lang sa kanila yan!!! Most powerful sila dba? Pro ung waiter, mahal niya trabaho niya.”

Ang “most powerful sila dba” ay may pahaging sa pahayag kamakailan ni Paul Soriano na ang asawa nitong si Toni Gonzaga, kapatid ni Alex, ay ang “most powerful celebrity” sa bansa ngayon. Si Paul ay isang special communications official sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

alex gonzaga comments

 

alex gonzaga comments

 

alex gonzaga comments

 

Isa sa mga naglabas ng kasiyahan sa birthday video ay si Dani Barretto, anak ni Marjorie Barretto. Burado na ito sa kanyang IG Story, pero marami ang nakapag-record ng kopya na nagpapasalin-salin sa socia media platforms.

Trending ang video ni Alex at ng waiter na napagbalingan ng ibang klaseng tuwa ng TV host-actress, na nakatatanggap ngayon ng matinding kritisismo sa importanteng araw ng kanyang buhay.

At press time ay wala pang pahayag si Alex kaugnay ng kumakalat na video.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *