Netizens at madlang pipol nakisimpatya matapos mapanood ang pag-iyak ni Vice Ganda sa ‘It’s Showtime’

vivapinas08207023-269NAANTIG ang puso ng madlang people matapos mapanood ang segment ng “Mini Ms. U” kung saan naging emosyonal si Vice Ganda.

Sa episode kahapon ng “It’s Showtime”, isang bibong contestant ang dumating sa noontime show na nagbigay ng iba’t ibang emosyon.

Sa una ay masayang nagkukulitan lang ang dalawa hanggang sa mag-storytelling na ang “Mini Ms. U” ukol sa kung paano nakapagbibigay ng saya si Vice at ang iba pang “It’s Showtime” hosts sa kanilang manonood.

“Ang ganda ng pagkakakilala niya sa pamilyang ito—walang bahid, ang ganda. Maraming maraming salamat sa ‘yo,” saad ng Unkabogable Star na pinatutungkulan si Eury.

Gumawa rin ng kuwento ang Unkabogable Star at ginaya ang pag-i-story telling ng bata kung saan naging emosyonal ang dalawa matapos ang kanilang pagyayakapan.

Sey ni Vice, “Salamat, Eury. Mahal kita; Mahal ka namin. Lagi mong iisipin ‘yan kahit saan ka makapunta, maraming nagmamahal sa’yo… Kaya kailangan lagi mong maalala na may mga nagmamahal sa iyo, mga magulang mo at kami.”

Muling niyakap sina Eury at Vice at dito na nagsimulang maging emosyonal ang dalawa.

“‘Pag nalulungkot ako, iisipin ko lagi mahal mo ako. Sorry minsan ‘pag wala ako… Masayang-masaya ako ‘pag kasama kayo, kaya minsan nalulungkot ako kasi natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *