Nanawagan si Isko Moreno kay VP Leni na umatras sa Eleksyon 2022 para sa pagkapangulo

20220417-isko-gonzales-lacsonMANILA — Nagbabala ang presidential bets na sina Sen. Panfilo Lacson at dating defense secretary Norberto Gonzales noong Linggo na maaaring mangyari ang “destabilization” sa bansa kung mahalal sa pagkapangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang press conference sa Manila Peninsula noong Linggo, sinabi nina Lacson at Gonzales, kasama ang kapwa presidential candidate na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na iniaalok nila ang kanilang sarili bilang mga alternatibo sa tinatawag nilang “warring colors” ng pula at dilaw.

“Maliwanag ang message namin: we want to offer ourselves. Ayaw nating manalo si Marcos dahil destabilisasyon ang aabutin. Iyan ang aming analysis ni Sec. Gonzales, galing sa security sector. Guguluhin ‘yan,” sinabi ni Lacson sa mga reporters.

“For the sake of the country, and for the sake of the peace and quiet we all aspire for, dapat mamili sila ng iba, not either one of the two. So, we’re not campaigning for Marcos,”dagdag pa ng Senador.

Sa kanyang panig, sinabi ni Gonzales na posibleng magkaroon ng destabilisasyon kung mananalo si Marcos Jr., dahil sa “maraming isyu” na mayroon ang dating senador at kanyang pamilya.

“I share the sentiment na baka mas maganda, hindi muna isang Marcos ang uupo diyan. Kasi maraming issues na sa tingin ko, makakabigay ng destabilization sa lipunan, not necessarily because Number 2 of today will oppose Number 1 even after the elections,” sinabi niya.

Sinabi rin ng dating defense secretary na “natatakot” siya sa mga implikasyon ng pagkapanalo ni Marcos sa mga botohan noong Mayo 9.

Gayunpaman, hindi niya tinukoy nang detalyado kung ano ang mga implikasyon na iyon.

Patuloy na nangunguna sina Marcos Jr. at Robredo sa mga pinakabagong survey bago ang halalan.
Ayon sa pinakahuling survey ng March Pulse Asia, nananatiling frontrunner si Marcos sa presidential race na may 56 percent, 32 points ang nauna sa 24 percent ni Robredo.

Dahil sa malawak na margin nina Marcos at Robredo, sinabi ni Gonzales na panahon na para baguhin ang kandidatong makakatalo kay Marcos.

“Baka kailangan nating palitan ‘yong lumalaban sa Number 1,” he said.
Inulit din ni Domagoso ang damdamin ng kanyang mga kapwa kandidato, na binatikos ang kampanya ni Robredo na “pink” bilang isang paraan ng pag-alis sa dilaw na kulay na nauugnay sa Liberal Party, kung saan siya ay nananatiling nakaupo bilang chairperson.

“Gusto n’yo bang huwag manalo si Marcos? Withdraw, Leni,” sinabi ni Domagoso.

Sa kabila ng pagtawag kay Robredo na umatras sa karera, nilinaw ng mga kandidato na hindi “anti-Leni” ang kanilang press conference.

“Nagmumukha tayong anti-Leni dito eh… But the reason is not because we’re anti-Leni. Ang dahilan ay hiniling sa amin na mag-withdraw ng Bise Presidente. Kung si [Marcos Jr.] ang magsasabi sa amin na mag-withdraw, we would be on the same sentiment as today. Kaya lang kami nagre-react, pare-pareho kami ng experience eh. Kung hindi nangyari ‘yan, walang ganito,” sinabi ni Gonzales.

“Ang message ko lang, kung ayaw n’yo kay Marcos, mamili kayo sa amin. Kung ayaw n’yo kay Robredo, mamili kayo sa amin. Huwag kayong mag-confine sa kanilang dalawa,” dagdag ni Lacson..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *