Nanalo ang kinatawan ng Baguio sa fashion at runway challenge ng Miss Universe PH

277346752_541259457358160_1247060611215646249_nMANILA — Naungusan ng kinatawan ng Baguio na si Ghenesis Latugat ang 49 pang contestants sa Miss Universe Philippines’ fashion and runway challenge.

Sina Chantal Schmidt ng Cebu City at Angelica Lopez ng Palawan ang nagtapos sa Top 3 ng challenge, na nagtampok sa kakayahan ng mga delegado sa catwalk.

 

 

Ang fashion at runway challenge ay isa sa maraming Miss Universe Philippines pre-pageant events, na kinabibilangan din ng headshot, intro video, at swimsuit competitions.

Nakatakdang isagawa ang Miss Universe Philippines 2022 coronation night sa Abril 30.

Ang mananalo sa pageant ngayong taon ay hahalili kay Beatrice Gomez, na nagtapos sa Top 5 ng 70th Miss Universe pageant sa Israel noong Disyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published.