Miss Grand International PH Samantha Bernardo, pasok sa Top 5

Samantha Bernardo during the Miss Grand International 2020 Prelim Competition

Malaki ang tsansa ng M Pilipinas na mapanalunan ang unang titulo para sa Miss Grand International crown dahil nakuha ng Pilipinas  na si Samantha Bernardo ang pinakamataas na grado sa social media contest.

Dahil dito ay nakasama si Miss Phi­lippines sa limang imi-meet ng founder and president ng naturang beauty pageant na si Nawat Itsaragrisil at may “special meal” silang pagsasaluhan.

Labis ang pasasalamay via Instagram si Samantha sa mga sumuporta sa kanya para makasama siya sa Top 5 on Arrival contest on Facebook. “We made it, Philippines! Maraming salamat sa mga bumoto at sumuporta. Tuloy ang laban, Pilipinas!” post ni Samantha.

Ang mga kasama pang bansang  sa Top 5 on Arrival ay Indonesia, Myanmar, Ecuador and Mexico.

Ang Binibining Pilipinas 2018 runner-up na si Samantha Bernardo ay handpicked ng Binibining Pilipinas Charities Inc. to compete sa 2020 Miss Grand International bilang kapalit ni Aya Abesamis na lumagpas na sa khustong  idad ng pageant dahil sa naging delay nito dahil sa COVID-19 pandemic last year.

Leave a Reply

Your email address will not be published.