Maja Salvador at Rambo Nuñez ikinasal na

vivapinas08012023-254

vivapinas08012023-254Ikinasal na ang actress na si Maja Salvador sa nobyo nitong si Rambo Nuñez.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa nitong Lunes sa isang chapel sa Apurva Kempinski resort Bali resort, Indonesia.

Ilan sa mga personalidad na dumalo ay sina Joshua Garcia, Laureen Uy, Richard Gutierrez, Sarah Labati, John Lloyd Cruz, Miles Ocampo at maraming iba pa.

Noong Hunyo 2019 ng inamin ng actress na nagbalikan sila ni Nuñez na kaniyang nobyo noong ito ay edad 21 pa lamang.

 

Taong 2022 ng maging engaged na ang dalawa.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kasamahan nito sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *