‘Mahal ko siya’: Isiniwalat ni Bea Alonzo na si John Lloyd Cruz ang kauna-unahang niyang heartbreak

john-lloyd-cruz-bea-alonzo-1200x900

MANILA, Philippines – Inihayag ng Kapamilya aktres na si Bea Alonzo na ang matagal nang ka-loveteam na kapareha na si John Lloyd Cruz ang kanyang unang sakit sa puso.

Sa panayam niya sa G3 San Diego para sa Metro Entertainment magazine, sinabi ni Bea na mahal niya si John Lloyd.

“I loved him. Parang hindi ko lang ma-define when exactly,” sinabi ni Bea.

“Syempre fan-ey lang ako di’ ba? And when you’re a fan, you love that person. So from fan-ey ako ng ‘Tabing Ilog’ to we became a love team. At that time, it was that and then it has transitioned to syempre a crush, and then nagpapadala ka sa mga holding hands. First (cinematic and real) kiss ko siya and so parang ganon, and then of course he disappointed me. Hindi ko alam may girlfriend na pala siya,”dagdag niya.

Sinabi ni Bea na akala niya ay nasa relasyon sila ni John Lloyd noon hanggang sa sinabi sa kanya ni John Lloyd na mayroon siyang kasintahan.

“Akala ko parang kami na. Tapos biglang sinabi niya sa’kin, may girlfriend na pala siya,” sinabi niya.

Sinabi ng blockbuster movie aktres na ang pag-ibig niya kay John Lloyd ay umiba sa iba’t ibang anyo.

“Hindi ko alam kung saan ‘yun natapos and then naging friends na kami. Alam mo ‘yung ganito sya eh, ‘yung love nag-ta-transition siya into different forms. The love has always been there but I can’t tell you because I can’t speak for him. So I cannot tell you when it’s stronger or when it’s not. I can only speak for myself. Ngayon, feeling ko we’re at that point where, feeling ko, it goes beyond romance to me ah,” sinabi ni Bea.

Nang tanungin kung posible na sa wakas ay magkarelasyon sila ni John Lloyd, sumagot si Bea ng affirmative.

“Hindi ko sinasabing open ako, but I’m not married and he’s not married, so yeah. Pero sana hindi. It’s just going to be that unfulfilled love story,” ang sabi ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published.