#LabanFilipinas: Pilipinas, nagtapos na ang kampanya sa FIFA World Cup; tinalo ng Norway

vivapinas07272023-250

vivapinas07272023-250Itinuturing pa ring tagumpay ng kanilang fans ang malayong narating ng Filipinas women’s team sa FIFA World Cup.

Ito’y sa kabila ng pagtatapos na ng kanilang kampanya sa naturang torneyo, makaraang talunin ng Norway sa score na 6-0.

Katunayan, umani pa rin ng mga pagbati ang team mula sa football fans sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Tumatak kasi sa marami ang makasaysayang pagkakapasok ng Filipinas sa FIFA at ang nakuha nitong panalo kontra sa host country na New Zealand noong July 25, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *