Kuya Kim Kapuso na?

kuya-kimManila, Philippines – May  impormasyon at balita ang PEP tungkol sa nalalapit na  paglipat ni Kim Atienza sa GMA Network.

Nakilala si “Kuya Kim” kung tawagin, si Kim Atienza ay nakilala na tigaulat ng lagay  ng panahon sa TV Patrol, ito ay ang daily evening news program ng  ABS-CBN.

Binalita at may impormasyon umano ang PEP ang nakatakdang paglipat ni Kim sa Kapuso network.

Isang daily program show raw ang iho-host nito o isang segment ng daily show.

Taong 1987 noong magsimula ang TV career ni Kim sa RPN 9.
Taong 2005 naman noong pumalit siya kay Ernie Baron bilang weather forecaster nang pumanaw ito.

Tatlong taon ang nakaraan  (2008) nang mag-host si Kim ng environmental science program na Matang Lawin.

Siya din ay  naging bahagi rin siya ng It’s Showtime at Umagang Kay Ganda.

Maraming netizen ang nagulat at hiniling nila na Sana lang, sa paglipat ni Kim sa GMA ay huwag siya ang ipalit kay Mang Tani na resident meteorologist ng 24 Oras sa weather forecast segment nito.

Sa kaalaman ng lahat, maganda ang karera ni Mang Tani na isang metereologist at authority sa kanyang larangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *