Kris Aquino sinunog ang mga Trolls at basher: ‘Bakit nyo ako tuturuan to quietly help?’

Kris Aquino June 28 2021Tila ba fighting mood si Kris Aquino sa Araw ng Pasko nang binatikos niya ang mga kritiko na tila nagpayo sa kanya na huwag ipaalam sa publiko ang kanyang mga charity works.

“Alam ko na babanatan ako ng mga ilan dahil sa posts ko but did you think maawat nyo ko? Bakit ninyo ako tuturun to quietly help? Hindi ko ninakaw yung perang ginamit, hindi pera ng gobyerno, galing sa sarili kong bulsa. Alam ko rin by posting marami pa ang ma e-engganyong tumulong kasi reality na, ‘if you don’t post it, it didn’t happen,’ ” sinabi ni Aquino sa kanyang Instagram.

“Kahit Pasko, sorry, I’m not a bit sorry, Pasensyahan tayo. Thankfully, walang kapatid ang aawat sa akin ngayon saying: ignore them, anyway we know & God sees the truth.” dagdag ni Aquino.

“Iba na ang panahon because haters, bashers and trolls, you are now getting the Aquino you super deserve, dahil 6 years old pa lang, palaban na ‘ko,” dagdag niya.

Sa Instagram, nag-post si Kris ng sunud-sunod na larawan at video na nagpakita ng kanyang pagbibigay ng mga regalo sa mga mahihirap. Kumbaga, hindi maganda sa mga bashers ang mga public posts niya sa kanyang charity activities.

Nagpasalamat din si Kris sa kanyang boyfriend na si Mel Sarmiento “for being my strength.”

“Thank you babe for being my strength, and because makulit talaga ako sa facts, for making sure na tama lahat ng dates & figures na nilabas natin,” she said.

“Simple but truthful explanation: may na a-accuse na nagpunta pero ang konti naman ng dala… meron maraming tuloy tuloy ang pagpapadala pero hinahanap sya. May nagpupunta ng personal pero press release ang nagkukwento so hindi tayo sure kung totoo ba?

“Sinigurado ko lang na alam mo hindi lang ako hanggang salita. Gusto kong patuloy kang magtiwala na mapagkakatiwalaan mo pa rin ako. Wrong for my body, but correct for my heart & soul,” sabi ni Kris.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *