Isang “sorpresang” celebrity ang kakanta ng “Lupang Hinirang” sa SONA

vivapinas07212023-234

vivapinas07212023-234MANILA — Isang “sorpresang” celebrity ang kakanta ng “Lupang Hinirang” sa Lunes para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sinabi ni House secretary general Reginald Velasco sa media.

“Up to now I have to admit surprise kasi gusto ng tatlong grupo — Senate, HREP and then the Office of the President — gusto naman nila may excitement so ano ‘yun surprise din. Malalaman niyo na. Ang tip ko lang isang tao lang,” sinabi ni Velasco.

“Palagay ko, palagay ko sikat naman ‘yun,” sabi ni Velasco nang tanungin kung sikat ba ang taong hindi rin sinabi ni Velasco ang kasarian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *