Isabelle Daza, nakalikom ng mahigit P1 milyon para sa inaabusong kasambahay

vivapinas09162023-299

vivapinas09162023-299

“You guys have gone above and beyond. Wow,” sabi ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories noong Sept. 15, mahigit isang linggo pagkatapos niyang simulan ang fundraising campaign.“I will make sure Elvie personally receives this donation.”

Isabelle Daza
Larawan: Instagram/@isabelledaza Nitong Sabado, Setyembre 16, umabot na sa P1,002, 019 ang mga donasyon para kay Vergara.

Nitong Sabado, Setyembre 16, umabot na sa P1,002, 019 ang mga donasyon para kay Vergara.

Sinimulan ng Senado noong Agosto ang isang motu proprio na imbestigasyon sa umano’y pagmamaltrato kay Vergara ng kanyang mga amo na sina France at Jerry Ruiz.

Nauna nang sinabi ni Sen. Francis Tolentino, na namumuno sa Senate committee on justice and human rights, na tinitingnan ng itaas na kamara na ilagay si Vergara sa ilalim ng witness protection program ng Department of Justice. Ito ay matapos ang pangunahing saksi sa umano’y pang-aabuso na dinanas ni Vergara, ay inatake ng isang gunman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *