Herlene Budol dumating sa Uganda para sa Miss Planet International

Herline Budol asa Uganda na

MAYNILA – Alam ng beauty queen at social media darling na si Herlene Budol kung paano nagpasiklab at mapansin pagdating sa Uganda.

Si Budol, na kilala bilang “Hipon Girl”, ay dumating sa paliparan na nakasuot ng pulang Filipiniana habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.

Mabilis na pumunta ang kanyang mga tagahanga sa comment section para ipahayag ang kanilang suporta para sa kandidato, dahil naghahangad siyang makapaghatid ng internasyonal na korona.

“Hipon pero walang tapon. Goodluck and bring home the crown,”sinabi ng isang Netizen.

Nakasuot ng dilaw na pantsuit si Budol nang umalis ng Pilipinas noong Biyernes.

Sa FB Page ng Binibining Pilipinas makikita na suportado ang organization para kay Hipon Girl.

“Goodbye for now as Herlene gets ready to say hello to Uganda. Miss Planet International here she comes,”post ng organisasyon.

Aalis si Herlene Budol patungong Uganda para katawanin ang PH sa Miss Planet International
Hindi nakuha ni Budol ang pagkapanalo ng korona noong 2022 Binibining Pilipinas, dahil tinanghal siyang first runner-up bukod pa sa pagkapanalo ng karamihan sa mga minor awards.

Gayunpaman, napili siyang kumatawan sa bansa sa Miss Planet International at nagpahayag na ng buong suporta ang BPCI sa kampanya ni Budol sa pageant.

Gaganapin ang Miss Planet International sa Nobyembre 19 sa Kampala, Uganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *