Gilas Pilipinas tinalo ang China, pasok na sa gold medal match

vivapinas08212023-285

vivapinas08212023-285Nakumpleto ng Gilas Pilipinas ang malaking pagbabalik mula sa 20 puntos pababa nang ibagsak ni Justin Brownlee ang game-winning triple may 24 segundo ang nalalabi upang mabawi ang laro mula sa China, 77-76, at oumasok ang Pilipinas sa gold-medal match sa Asian Games.

Nagtala si Brownlee ng 33 puntos, kabilang ang huling 8 puntos ng Gilas, nang ginulat ng mga Pinoy ang Chinese sa kanilang homecourt.

Ang Pilipinas ay lalaban para sa men’s basketball gold laban sa Jordan sa Biyernes, Oktubre 6.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *