Entablado para sa 70th Miss Universe Competition sa Israel handa na!

Miss Universe 2020 Andrea MezaHalos handa na ang entablado para sa 70th Miss Universe Competition sa Eilat, Israel sa Disyembre 12.

Sa post ng Miss Universe Updates sa Instagram, ang 80 candidates ay magsisimulang makakita ng aksyon sa venue na ito para sa preliminary at national costume competitions sa Dec. 10 (Dec. 11 Manila time).

Pipiliin ng prelims ang top 16 semifinalists para sa prestihiyosong pageant, na iaanunsyo sa finals sa Dec. 12 (Dec. 13 Manila time).

Sa ika-9 na Araw ng mga aktibidad bago ang pageant, nilibot ng mga kandidato ang Eilat, ang southern gateway ng Israel.

Sinabi ng Miss Universe Organization na ang Eilat ay isang nangungunang destinasyon sa turismo at paglilibang at tahanan ng ilan sa mga pinaka-marangyang hotel sa Israel.

Nagho-host ng tatlong milyong domestic at international vacationers taun-taon, nag-aalok ang Eilat ng mahigit 12,000 hotel rooms sa lahat ng kategorya ng presyo.

Kasama sa mga karanasan ang mga atraksyon sa disyerto at dagat, pagsisid sa nakamamanghang Red Sea Gulf, mga jeep tour, walking track at makulay na nightlife.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *