Dumating na sa PH si Miss Universe Harnaaz Sandhu

2021-12-13T034050Z_1898779172_RC2EDR9WV7TQ_RTRMADP_3_ISRAEL-MISSUNIVERSE-scaledMANILA – Dumating na sa Pilipinas si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu bago ang coronation night ng edisyon ngayong taon ng Miss Universe Philippines.

Bago umalis patungong Maynila, sinabi ni Sandhu sa opisyal na Instagram page ng Miss Universe na ito ang kanyang unang pagbisita sa bansa at “sobrang kinikilig at nakuryente” siyang pumunta sa Pilipinas.

Sa kanyang pagdating, sinabi niya sa isa pang post na hindi na siya makapaghintay na makilala ang lahat ng contestants ng Miss Universe Philippines.

Maliban sa pagpaparangal sa coronation night, sinabi ni Sandhu na narito rin siya kasama ng Plan International “upang pag-usapan ang tungkol sa menstrual equity.”

“I am really excited to announce something which is very close my heart and to take this talk forward from India to the Philippines,” sabi niya.

Nakipagpulong si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu sa mga youth advocates sa ‘Period Pains: Tackling the Challenges of Menstrual Equity’ sa Citadines Bay City Manila sa Pasay City noong Abril 25, 2022.

Nakatakdang mangyari ang coronation night ng Miss Universe Philippines sa Abril 30.

Bukod kay Sandhu, dadaluhan din ang event ng iba pang dating Miss Universe winners kabilang sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere at Demi Leigh-Tebow.

Leave a Reply

Your email address will not be published.