Catriona Gray kinuhang backstage host ng Miss Universe

VivaFIlipinas post (33)Kinuha si Catriona Gray bilang backstage host ng paparating na Miss Universe pageant, ayon sa isang ulat.

Makakasama ng Miss Universe 2018 titleholder ang “American Ninja Warrior” co-host na si Zuri Hall, ayon sa ulat ng Variety.

Idinagdag nito na si Miss Universe 2012 Olivia Culpo ay magbabalik bilang isa sa mga pangunahing host kasama si Jeannie Mai, isang dating backstage correspondent para sa pageant.

Gaganapin ang 71st Miss Universe sa New Orleans, Louisiana sa United States sa Enero 14.

Si Celeste Cortesi ang kumakatawan sa Pilipinas sa pageant, na kamakailan ay nakuha ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *