Wala nang kaso ng coronavirus disease ang buong Lambak ng Cagayan matapos magnegatibo ngayong araw ang pinakahuling pasyente sa probinsya ng Isabela.
Kinumpirma ni Southern Isabela Medical Center Chief Dr. Ildefonso Costales na nag-negatibo na sa Covid-19 si PH4805 na isang health worker ng Minante Uno, Cauayan City.
Sa kabuuan, dalawampu’t anim (26) ang naka-rekober sa mga Covid-19 positive at isa ang nasawi sa virus na mula sa Nueva Vizcaya. Ang Region 2 ay nakapagtala ng dalawampu’t pito (27) na confirmed cases ng nasabing sakit.
Matatandaan na sa lalawigan ng Cagayan ay nakapagtala ng labing apat (14) na kaso ng virus at nagmula ang mga naging pasyente sa bayan ng Gattaran, Piat, Tuao at sa Tuguegarao City na may pinakamaraming kaso kung saan kalahati dito ay mga health workers.
Sa Isabela ay nakapagtala ng walong (8) Covid cases na mula sa bayan ng Alicia, Cabagan, Echague, Santiago City at Cauayan City. Limang (5) kaso ng coronavirus sa Nueva Vizcaya na mula naman sa bayan ng Bayombong, Solano at Alfonso CastaƱeda. Dito rin nagmula ang nag-iisang nasawi ng Covid-19. Samantalang Covid-19 free ang lalawigan ng Batanes at Quirino.
(Susan L. Mapa)