𝟮𝟵 na Binibining Isabeleña tatangkaing masungkit ang titulong Queen Isabela 2023

Vivapinas post 96SANTIAGO CITY – Nasa 29 na nag gagandahang dilag ang magpapamalas ng kanilang angking galing at ganda upang masungkit ang prestihiyosong titulong Queen Isabela 2023.
Gaganapin ang pinakahihintay na Grand Coronation night ngayong araw, Enero 25, 2023 alas-6:00 ng gabi sa Queen Isabela Park.
Una rito, isinagawa ang Judging ng Creative Attire ng bawat kandidata bilang unang bahagi ng aktibidad sa nabanggit na patimpalak noong Enero 23 taong kasalukuyan.
Sinundan naman ito ng Opening ng Exhibit ng Creative Attires ng mga kalahok sa kaparehong araw na ginanap sa SM City Cauayan.
Samantala, matapos ang koronasyon ng itatanghal na Queen Isabela 2023 ngayong gabi ay susundan ito ng Grand Fireworks Display.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *