Ipinanganak noong Hulyo 16, 1964 sa Mabalacat, Pampanga, nanalo si Marquez sa prestihiyosong beauty contest sa edad na 15.
May dalawa pang babaeng Pilipino na humawak ng korona ng Miss International bago si Marquez, sila ay sina Gemma Guerrero Cruz Araneta, na nanalo ng titulo sa Long Beach, California noong 1964; Aurora McKenny Pijuan sa Osaka, Japan noong 1970.
Tatlo pang Pinay ang tatanghaling Miss International title mula noon. Sila ay si Precious Lara Quigaman, noong 2005, Koseinenkin Hall, Tokyo, Japan; Bea Rose Monterde Santiago noong 2013, Shinagawa Prince Hotel Hall, Tokyo, Japan; at Kylie Fausto Verzosa noong 2016, Tokyo Dome City Hall, Tokyo, Japan.
Ang pagkakaroon ng katanyagan ang nagtulak kay Marquez sa pagsali sa international beauty contest. Sa kalaunan ay hinabol niya ang isang karera sa fashion print, ramp modeling, at pag-arte sa telebisyon.
Ang iba pang mga prestihiyosong titulong napanalunan niya ay kinabibilangan ng: Face of the 1980’s winner sa New York noong 1985, first runner-up sa Supermodel competition noong 1986, at tinaguriang Most Glamorous Woman in Italy, noong 1986 din.
Siya rin ay hinatulan at binoto bilang “Most Beautiful Miss International Winner” noong 2000.
Nakamit ni Marquez ang Bachelor of Science degree sa Business Administration (cum laude) mula sa International Academy of Management and Economics noong Nobyembre 2006.
Si Melanie ay isang convert sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, o sa Mormon Church, pagkatapos ng kanyang kasal sa isang Amerikano sa Utah na nagngangalang Adam Lawyer, ang kanyang ikalimang asawa.