Caprice Cayetano Ido-donate sa Charity ang Parte ng ₱1M PBB Cash Prize

caprice-cayetano-pbb-1m-cash-prize-charity-donation

caprice-cayetano-pbb-1m-cash-prize-charity-donationMuling pinatunayan ni Caprice Cayetano na siya ay tunay na “big winner” hindi lang sa laro kundi pati na rin sa puso. Matapos ang kaniyang stint sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 2.0, inihayag ni Caprice na ibabahagi niya ang bahagi ng kaniyang ₱1,000,000 cash prize sa isang charity foundation.

Sa kaniyang Instagram story noong Marso 1, nagpasalamat siya sa mga sumuporta sa kaniya. “Una sa lahat, hindi ko po inakala ang mga nakita ko kagabi. Hindi ko rin po in-expect ang support na natatanggap ko ngayon, kaya sobra po akong nagpapasalamat. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!” saad ni Caprice.

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat po ako at ang buong pamilya ko. Thank you so much po sa love and support! Sobrang grateful po kami sa inyong lahat!”

Bilang mensahe sa kapwa kabataang Pilipino, ani Caprice, “Sa lahat ng kabataang Pinoy, let’s always look at the bright side of life!”

Matatandaang tinanghal din bilang big winner ng edisyon ang Kapamilya housemate na si Lella Ford, anak ng singer-actress na si Karla Estrada. Kabilang naman sa “Ultimate 8” ng edisyon ang mga dating housemates na sina Heath Jornales, Ashley Sarmiento, Princess Aliyah, Krystal Mejes, Joaquin Arce, at Miguel Vergara.

Ang kabutihang ipinakita ni Caprice ay isang inspirasyon sa kabataang Pilipino at patunay na ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasusukat sa panalo kundi sa pagbabahagi at pagtulong sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *