Pinay Caregiver Nasawi sa Iranian Strike sa Israel; DMW Tiniyak ang Repatriation at Tulong sa Pamilya

pinay-caregiver-mary-ann-velazquez-de-vera-nasawi-iranian-strike-israel-dmw-repatriation-2026

pinay-caregiver-mary-ann-velazquez-de-vera-nasawi-iranian-strike-israel-dmw-repatriation-2026

Kinumpirma ng pamahalaan ang pagkasawi ng isang Pilipinang caregiver sa Israel matapos tamaan ng shrapnel mula sa Iranian strike nitong nakaraang weekend. Kinilala ang biktima bilang si Mary Ann Velazquez de Vera, isang overseas Filipino worker (OFW) na matagal nang nagtatrabaho sa naturang bansa.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), agad natinatrabaho ang repatriation ng labi ng nasawing OFW. Nakikipag-ugnayan na rin ang tanggapan ni Hans Leo Cacdac sa asawa ni de Vera, na nasa Israel din, katuwang ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv upang maisaayos ang mga kinakailangang dokumento at proseso.

Tiniyak ng DMW na magbibigay ng agarang tulong pinansiyal ang action fund ng pamahalaan sa pamilya ng biktima. Bukod dito, maglalaan din ng karagdagang assistance ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa gastusin sa burol at libing.

Hinimok ng DMW ang mga Pilipinong naninirahan sa Israel na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan o lugar ng trabaho at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas habang nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon.

Siniguro rin ng ahensya na may nakahandang contingency plan ang pamahalaan sakaling kailanganing i-repatriate ang iba pang OFWs. Gayunman, nakadepende pa rin ito sa availability ng flights at sa pagbubukas ng airspace sa mga bansang apektado ng sigalot sa Middle East.

Patuloy namang umaapela ang pamahalaan ng panalangin at pag-iingat para sa kaligtasan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *