Pauline Amelinckx kinoronahang Miss Supranational Philippines 2023

vivapinas05132023-106

vivapinas05132023-106Si Miss Bohol, Pauline Amelinckx ay opisyal na kinoronahang Miss Supranational Philippines 2023 kasunod ng finals noong Sabado ng Miss Universe Philippines 2023 pageant sa Pasay City.

Ang 27-anyos na Filipino-Belgian at isang ipinagmamalaking kagandahang Boholana ang kakatawan ngayon sa Pilipinas sa Miss Supranational 2023 sa Nowy Sącz, Poland ngayong Hulyo.

No stranger to pageantry, she won Miss Bohol 2017 and went on to participate in Mutya ng Pilipinas 2018 where she clinched the title Mutya ng Pilipinas Global Beauty Queen 2018.

Tatlong beses sumali si Pauline sa Miss Universe Philippines. Third runner-up siya sa kanyang unang pagtatangka noong 2020 at naproklama bilang Miss Universe Philippines Charity (third place) nang bumalik siya noong nakaraang taon.

Ang bagong Miss Supranational Philippines ay mayroong degree sa international studies mula sa Cebu Doctors’ University (CDU) sa Mandaue City. Siya ay isang event host at isang freediver.

https://www.instagram.com/p/CqdEAWWBeOz/?utm_source=ig_web_copy_link&igshid=MzRlODBiNWFlZA==

 

Mga Larawan mula kay Pauline Amelinckx / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *