Bagama’t iginiit ni Marcos na aksaya ng oras ang impeachment at hindi ito makatutulong sa mga Pilipino, ilang netizens ang nagdududa na may kaugnayan ang desisyon sa mga paratang ng pandaraya sa nakaraang halalan.
“Bakit hindi ituloy? Marami sigurong alam si VP Sara tungkol sa halalan,” komento ng isang netizen. Ang iba naman ay naniniwala na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang mga mas mahahalagang isyu kaysa sa mga pulitikal na kontrobersya.
Habang nagpapatuloy ang diskusyon online, umaasa ang publiko sa malinaw na paliwanag mula sa mga opisyal upang matuldukan ang mga haka-haka at agam-agam kaugnay ng halalan at impeachment.