Ayon kay Marcos, ito ay kaugnay ng kumalat na text message na umano’y ipinadala niya sa mga lider ng Kamara.
“Well, private communication ito pero na-leak na. Yes, dahil iyon ang opinyon ko,” ani Marcos.
“Hindi ito mahalaga. Walang epekto ito kahit sa isang buhay ng Pilipino. Kaya bakit pag-aaksayahan ng oras?” dagdag niya.
Binigyang-diin pa ni Marcos na ang impeachment complaint ay makakabala lamang sa trabaho ng parehong Kamara at Senado.
“Ito’y mag-aaksaya lang ng oras—at para saan? Para sa wala. Wala ni isang Pilipino ang matutulungan nito,” sabi niya.