Viva Pinas

LJ Reyes, Ikinasal na Sa New York!

vivapinas10092023-311

Ikinasal ang celebrity mom  sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista noong Oktubre 7 sa New York City, USA.

Ayon sa  balita, ito ay isang taimtim na seremonya na ginanap sa Bevin House sa New York na may kakaunting tao lamang sa entourage. Si Aki, ang anak ni LJ ang ring bearer. Samantala, ang kanyang anak na babae, si Summer, ang flower girl. May anak din si Philip sa dating karelasyon, na naging bahagi rin ng entourage.

Naka-livestream din ang kasal para sa pamilya at mga kaibigan na hindi nakadalo.

Samantala, ibinahagi ng hairstylist na si Mark Baquiran ang mga larawan mula sa reception na ginanap sa Eatons Neck, NY.

 

Inanunsyo ni LJ ang engagement nila ni Philip noong Mayo ngayong taon. Nasa US siya kasama ang kanyang dalawang anak mula noong Setyembre 2021, kasunod ng kontrobersyal na break-up nila ng kanyang dating partner na si Paolo Contis.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa balitang engagement at kasal ng single mom.

“You deserve all the happiness in the world,” sabi ng isang user sa Facebook page ng Smart Parenting.

Sinabi ng isang netizens “Happy for her and most especially kay Summer [dahil] may daddy figure na siya.”

Congratulations, Mr. and Mrs. Evangelista!

Narito ang isang pagbabalik-tanaw sa mga larawan ng proposal nina LJ at Philip dito 

Exit mobile version