Hindi na Makakabalik si Willie Revillame sa ABS-CBN – Ogie Diaz

vivapinas04112023-76

vivapinas04112023-76Ibinahagi ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz na sinabi ng kanyang source na hindi payag ang ABS-CBN na tanggapin muli ang beteranong host na si Willie Revillame.

Si Willie, na tinatawag na Kuya Wil sa showbiz, ay gumawa ng ilang shows sa Kapamilya network bago siya lumipat sa TV5 at tuluyang napunta sa GMA-7. Ang kanyang recent home network ay ang ALLTV kung saan dinala niya ang kanyang game show na Wowowin pagkatapos niyang magdesisyon na huwag nang mag-renew ng kontrata sa Kapuso network.

Gayunpaman, lumabas kamakailan ang mga ulat na ang beteranong host ay nagbitiw sa AMBS, ang media company ni Manny Villar na nasa likod ng ALLTV.

Bago ito, naging kontrobersyal si Willie Revillame sa pag-tira sa kanya ng mga bashers ng kanyang show at sa mga bumabatikos sa network ni Villar. Kasunod ng kanyang napapabalitang pagbibitiw, ilang mga haka-haka ang lumitaw.

May mga espekulasyon na baka bumalik siya sa GMA-7 o sa TV5. Gayunpaman, base sa artikulo sa Newsko, pagdating sa ABS-CBN, hindi na puwedeng maging Kapamilya si Willie. Napag-usapan ito ni Ogie sa kanyang recent digital showbiz talk show sa YouTube.

Dahil umano sa isang executive ng ABS-CBN ang magbibitiw sa oras na maging Kapamilya muli ang beteranong host. Ikinuwento ni Ogie ang mga posibilidad kasunod ng napabalitang pagbibitiw ni Willie sa ALLTV.

Sabi ng talent manager-vlogger, posibleng bumalik si Willie sa GMA pero aniya, “Why not ‘di ba? Kaya lang siyempre, dati hinabol pa siya ng GMA pero umayaw na siya kasi malaki ang offer ni Manny Villar. So, I don’t think hahabulin siya ngayon ng GMA 7.”

Apparently, the veteran host is not welcome also in the Kapamilya network. “Ang ABS-CBN naman ang alam ko, eto’y ano lang naman sa akin once makabalik ng ABS-CBN si Willie Revillame, isang tao mula sa top management ang magre-resign. Ang nakarating sa akin, pinasakit ang ulo non ni Willie. Hindi ko lang alam ah, kung sino ‘yung tao na ‘yun,” sinabi ni Ogie Diaz.

Hindi pa kinukumpirma o tinatanggi ni Willie ang kanyang napapabalitang pagbibitiw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *